Sunday, July 16, 2017

Dito Ka Ba Nakatira?

Ayaw kong umuwi
Sa maingay na bahay na puno ng mga pekeng tawanan
Mga mapanlinlang na kwentuhan
Para lang punuan ang mga nakabiting katahimikan
Ayaw kong makakita ng mga taong nakamaskara
Mukhang maaayos at nakapintura
Kapag nakaharap ka
Pero tumitira ng pana kapag hindi ka nakatingin
Ayaw ko rin makipagplastikan sa mga
Nagpapakilalang kaibigan
Pero sa huli, unti unti kang sisiraan
Dahil sa inggit na walang dahilan

Ayaw kong umuwi
Doon sa nakakalokong tahanan
Na wala kang mararamdamang kalayaan
Kung saan ang mga makakasalamuha mo
Ay mga nakasimangot na payaso
Mga pusang may pusong leon
Na handang lapain ka kapag hindi ka nakalingon.

Ayaw kong umuwi sa mga taong mapagsamantala
Tama na.
Ayaw ko na.

No comments:

Dito Ka Ba Nakatira?

Ayaw kong umuwi Sa maingay na bahay na puno ng mga pekeng tawanan Mga mapanlinlang na kwentuhan Para lang punuan ang mga nakabiting kata...