Saturday, June 3, 2017

The Happy Pepe Series: Si Ines

Normal lang para sa isang babaeng single ang ma-inlove at maglandi sa opposite sex lalo na kung malapit na syang maiwan ng huling biyahe ng tren... pag malapit ng magsarado ang pintuan ng langit, o kapag nasa bingit na ng kamatayan ang bulaklak.

Puta ang tingin ng karamihan ng mga ibang lahi sa mga Pinay. Masakit mang tanggapin at patuloy mo mang i-deny, given na yan. Kadalasan kasi sa mga Pilipina, madaling ma-fall; yung iba in love, yung iba in lust, pero karamihan sa atin, in gifts. Ganyan tayo e, sanay na sanay tayong manggatas ng ibang lahi. 

Mag-iisang taon nang nagta-trabaho dito si Ines. Sa HR sya nakaupo kaya madalas ko siyang makausap, marami kasi akong tinatanong bilang baguhan palang ako. Hindi nagtagal, naging magkaibigan kami ni Ines. Sa aming tatlo na kadalasang magkasama, mas kampante ako na sya ang kasama ko... palagay ko, nagiging masyado na rin syang kampante na ako ang kasama nya. 

Sanay akong nakakakita ng mga taong tulala sa trabaho. Minsan dahil sa pagod, sa boredom, o dahil sa mga personal baggage na dinadala hanggang sa trabaho. Para kay Ines, lovelife yun. Pano ko nalaman?

Para sa departamentong kinabibilangan ni Ines, hindi ko akalaing hindi nya kayang kipkipin ang mga bagay na pribado. Masarap din minsan na makipagkaibigan sa mga hindi marunong magtago ng sikreto, marami kang nalalaman kahit hindi ka nagtatanong. Kasama ko si Ines madalas magcommute. Naglalakad kami papunta sa mall dahil doon ang bagsakan ng mga taxi at bus at ang daanan ng iyon ang saksi sa pagbubunyag ni Ines ng mga bagay na ikinatutulala nya sa trabaho.

Mayroon daw syang dalawang katextmate. At first I was like... errrr... but then.
Pareho daw kasing kaopisina namin ang katextmate nya. So I was like WOAH!

Kasabay ng paglantak nya sa Mcdo fries, nasimula siyang magkwento sa akin. Hindi ko na ikukwento kung paano sya "napilitang" magkwento ng mga pangyayari sa buhay nya sa pamamagitan ng:

"Nakakinis kase sila eh"
"Ha?"
"Pagkatapos akong landiin at paasahin. Nakakastress."
"Ano?"
"Ehhh..."
"Bakit ba?"
"Secret."
"Ok."

"Gusto mo fries?"
"Hindi magluto ako sa bahay."
"Napapastress eating tuloy ako kase yung mga yun e. Wag mong sasabihin sa iba lalo na sa "kabilang group" ng mga babae ah. Mga chismosa yun eh."


And the rest is history.

Matanda na ang Acting Manager ng kumpanya namin. Kaka-60 lang nya recently at sya ang boylet number 1 ni Ines. Dito rin nagta-trabaho ang pamangkin ng Acting Manager at sya naman ang boylet number 2. Talk about tuhog.

Kaya naman pala laging laman ng usapan naming tatlo ang boylet number 1 at sa tuwing yun ang kwentuhan, parang may pilikmata ng kambing ang pekpek ni Ines sa kilig. I'm not saying na posible yun, I'm not saying rin na hindi. You be the judge.

Kaya naman pala ok lang sa boylet number 1 na magpabalik-balik sa opisina nya si Ines kahit meron namang sekretarya na point of contact.


Itutuloy.


No comments:

The Happy Pepe Series: Si Ines

Normal lang para sa isang babaeng single ang ma-inlove at maglandi sa opposite sex lalo na kung malapit na syang maiwan ng huling biyahe ng...