Sunday, April 16, 2017

It's Just an Unfortunate Event, Not an Unfortunate Life

Buhay na buhay ang diwa ko, mas maaga pa sa alas-kwatro, kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay.

Dadahan-dahanin ko ang kwento. Masakit pa kasing mag-reminisce lalo na at fresh na fresh pa.

Natumba ako sa tapat ng building ng office namin and I'm 101% sure nakita ako ng lahat ng construction workers na nagtatrabaho sa gilid ng building, ng mga tao sa guard house, ng receptionist at ng paparating na driver which I'm sure natatawa parin hanggang ngayon.

Picture this, a chubby girl wearing high-wedge sandals na dahan-dahan naglalakad sa harapan ng 35-storey building early one morning para pumasok. All of a sudden, bigla nalang dumagundong ang surroundings and there she was, trying her best para magsurvive sa kahihiyan habang tumatayo at ninanamnam ang aftershock ng kalog ng kanyang mga bilbil. good thing she was wearing blue skirt na hindi nagbigay ng hustisya sa muntikan nang pagguho ng kanyang mundo. It was a total mess. Ang tanging pakunswelo lang nya e, hindi natapon ang hawak hawak nyang baunan na may kanin at hotdog na para sana sa lunch.

Food saved.

Dito ko narealize na narating ko na ang peak ng katabaan. Wala ako halos naramdaman na injury dahil sinagip ako ng mga celllulites. Meron naman din pala silang advantages.


Pagdating ko sa office, as most women who had fallen on their butts, would do, I went to the toilet. Para magpagpag ng bad vibes at magbawas ng liquid sa pantog. Kinabahan ako eh. Who wouldn't? So there I was, doing my thing, when suddenly the door burst open! Talk about series of unfortunate events. Buti nalang naayos ko na ang panty ko at hindi na nakaexpose ang aking butt crack. Nonetheless, my dignity was saved. Meron pa akong ipagmamalaki sa kanila.

It was my fault. Hindi pala kumagat ang lock ng banyo. Pero sa mga ganong sitwasyon, sino ba ang dapat na magsorry? Ako na tangang biktima o yung nagbukas na walang kaalam-alam pero tumawa muna ng tumawa bago isara ang pinto? You be the judge.


Saturday, April 15, 2017

Unsolicited Everything



Hindi mo kilala si Rafi pero ikukwento ko sya sa iyo.

Physically, si Rafi ay isang typical na “Pana”. Yan ang tawag nila sa mga Indian. Mula sa accent, sa pananamit, hanggang sa amoy, hindi mo mapagkakamalang he’s nothing but a “pana”.

Kasama ko si Rafi sa department. Nakaupo sya sa 10 o’clock ko at lahat ng ginagawa nya ay nakikita sa aking peripheral view; well ok, it depends. Hindi naman ako pumapasok para manmanan ang mga ginagawa ni Rafi sa trabaho. Ang totoo, hindi naman ang mga kilos ni Rafi ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Yun e yung pagiging mapanabat nya sa mga usapan.

Iritable talaga ako sa mga tao na bigla nalang nagbibigay ng mga sarili nilang kuro-kuro na walang pahintulot sa mga nag-uusap. Para bang hindi naturuan ng salitang respeto at wala sa bokabularyo ang excuse me. Parang bigla nalang dudura ng bubblegum sa direksyon ng mga taong dumadaan sa kalsada. Kung tutuusin, ang dapat sinisisi sa mga ganyan, e yung mga magulang dahil hindi sila nagbigay ng tamang pagdidisiplina sa mga anak nila.

Anyway, si Rafi ang tipo ng tao na kahit hindi na sya kinakausap, meron pa rin siyang sinasabi. Minsan related naman sa tanong na binato mo sa kanya. Pero kadalasan, pinahahaba nya lang ang sagot na oo at hindi. Kahit na wala na sya sa sirkulasyon, hindi mo sya mapipigilan na magbigay ng point of view. Mahilig din siyang sumabat lalo na kapag may idea sya sa topic, kesehodang ito ay work-related o hindi. Basta naiintindihan nya ang lenguwahe na ginagamit ng mga naguusap, hindi nya papalagpasing umeksena na para bang simula palang ng kwentuhan, parte na sya ng usapan.
So kanina, habang naguusap ang Purchaser at Storekeeper namin, hindi napigilan ni Rafi ang naguumusbong na idea nya at bigla nalang siyang nakisawsaw. Gamit ang boses na pang-rally, nagbigay sya ng hindi inaasahang saloobin, to which, hindi binigyan ng pansin ng kahit sinuman sa naguusap hanggang tinawag ang mga ito ni Rafi.

And I quote, Yes, Rafi. Are you talk to us because we not talk to you.”

Storekeeper & Purchaser – 1
Rafi – 0


Si Rafi rin  pala yung mahilig bumahing na hindi marunong magtakip ng bibig kaya yung katabi nyang si Hameed, parang isang virus nalang ang kailangan, magiging bedridden na siya.

Thursday, March 23, 2017

Dalawang Pangungusap (A Writing Prompt)



Giliw ko, huwag mong isaboy ang iyong ihi sa aking mukha.

Huwag mo akong hayaang lumayo nang nakatungo;

Tirhan mo sana ako ng kaunting dignidad.



Maari mo bang ipaintindi kung bakit kailangan mo akong hiyain,

Hindi pa ba sapat ang pagtaboy na ipinararamdam mo sa akin?

Giliw ko, huwag mo sana itong gawin.



Isa lang naman ang aking hiling,

Mayroon namang inidoro na abot ng iyong tingin,

Doon nalang giliw ko, huwag naman sa akin.





Di ba madalas mong marinig ang "Expect the unexpected"? Pero tao ka lang. Hindi sa lahat ng panahon handa ka sa mga kaganapan sa paligid. Bakit, kung dudura ba ang makakasalubong mo, malalaman mo ba kung saan iyon tatama? Sigurado ka bang masasagasaan ka? Sigurado ka bang hindi? Maraming mga bagay na mangyayari na hindi mo inaasahan at hindi ka makakawala sa loop. Wala kang magagawa. Katulad ngayon, mainit dito sa bus kahit full blast ang AC.

Tuesday, March 21, 2017

Paano

Magsisimula sa gitna.


Makikita ang kabuuan sa pamamagitan ng pagsilip sa sentro, dahil iyon ang mas madaling makita ng mga mata mo.

Konkreto ang ideya na hinabi galing sa mga pangarap na nanggaling sa gitna.

Sa gitna.

Pero paano nga ba magsisimula?

Pangalawa

Pitong daan at tatlumpu’t tatlong araw na nagdaan


Para bang kailan lang.

Maraming ala-alang hindi malilimutan

Na para bang kahapon lang.







Salamat sa pitong daan at tatlumput araw hanggang magpakailanman.

Nepenthe

Your face,
Your smile,
Your stories.

Your hugs,
Your kiss,
Your warmth.

Your encouragements,
Your wisdom,
Your presence.

I'll endure the day full of misery,
I'll keep up with the worse,
I'll be standing amidst the distraught,
If I know I'll wake up,
To the bliss of your touch,
To the harmony of your breaths,
To the calm of your heart.

If I were to walk in the dark,
I will not be afraid,
I'll keep head up,
I'll keep my hopes up,
I'll walk with anticipation,
And confidence,
If I'll be certain that in the end,
You'll be waiting,
With arms ready to wrap
My weary soul.

To this, I should say,
You are my drug.
You are my hope.
You are my pill of happiness.
You are may nepenthe.

****
ne·pen·the [ni-pen-thee] .a drug or drink, or the plant yielding it, mentioned by ancientwriters as having the power to bring forgetfulness of sorrow or trouble. 

Sunday, March 19, 2017

Diyos Ko, Normal Ba Ito?


Normal pa po ba para sa isang bente otsong tulad ko ang maguluhan sa kung ano ang gusto kong makamit sa buhay? Minsan iniisip ko, matanda na ako. Kailangang magkaroon na ng direksyon ang buhay ko. Kailangang maging klaro na sa akin kung ano talaga ang goal ko sa buhay. Kailangang magkaroon na ako ng plano at umpisahan ko na iyon sa lalong medaling panahon. Pero hanggang ngayon, bakit parang naghahanap pa rin ako?

Hindi naman talaga ako yung taong humiling na sana, lumaki na ako kaagad. Masaya ako nung bata pa ako. Hindi ako nauubusan ng rason para tumawa, marami akong kaibigan, maluwag ang buhay. Hindi ako problemado sa kahit ano. Maliban nalang sa pagbo-boypren. E, diyaan nga ata ako sumablay sa buhay. Masyadong mapusok, masyadong mabilis magdesisyon, kulang sa self control. Palagay ko e, pinanganak talaga akong may bahid ng kalandian. Sorry po. Sana natuto akong gumamit ng utak bago ang landi. Sana books muna bago ang love letters. Sana thesis muna bago ang gimik. Pero, hindi ko na kayang ibalik ang panahon. Saka hindi naman lahat ng ibinunga ng pagkakamaling iyon ay masama.

Alam ko po kung gano ninyo ako kamahal. Hindi nyo ako pinabayaan sa kahit saan. Madali pa rin ang buhay para sa akin. Pero hindi ko po alam kung bakit hindi parin ako kuntento. Mayroon paring kulang. Mayroon parin akong hinahanap. Hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong, kase, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang problema ko. Hindi ko sya ma-describe. Hindi ko malapatan ng salita. Hindi ko alam kung papaano ikukwento. Ni hindi ko nga rin po alam kung ano ang gusto ko.

Isa pa po, natatakot akong humiling. Kase, baka humiling ako ng mali. Alam ko pong kailangan kong maging pasensyosa, kailangan kong magtiwala. Pero parang tug of war. Naghihilaan ang mga daing ng puso ko at ang kagustuhan kong ipagpa-sa Diyos ang lahat. Minsan, pag hinahayaan ko na ang pagkakataon ang magbigay sa akin ng daan at hindi ko nakikitang doon papunta sa gusto ko, nirereject ko. Nananalo ang kagustuhan ko laban sa kung ano ang dapat para sa akin. Kapag ka naman nakukuha ko ang gusto ko at nakikita kong hindi ako doon sasaya, nirereject ko rin. Sa huli, wala akong kinahihinatnan.

Diyos ko, sana po ay bigyan ninyo ako  ng lakas ng loob at tibay ng damdamin para hindi ako nakatuntong nalang sa gitna habang buhay. Sana po, bigyan ninyo ako ng jump start. Natatakot ako, pero alam kong hindi ninyo ako pababayaan. Kayo po ang kumapit sa akin ha? Dahil mas may tiwala ako sa ganon. Kung ako ang kakapit sa inyo at matakot ako, baka bumitaw ako eh. Pero pag kayo ang may hawak ng kamay ko, kahit matakot ako, alam kong hindi Mo ako bibitawan.

Alam ko na alam mo ang sinasabi ng puso ko. Kung ano man yon Lord, sana katulad iyon ng plinano mo para sa buhay ko. Alisin mo ang takot sa akin, nakikiusap ako.


Sana makarating ito sayo. Ito lang ang paraan na alam ko para makausap kita ng walang distraction. Sana chumamba. Mahal kita.

It's Just an Unfortunate Event, Not an Unfortunate Life

Buhay na buhay ang diwa ko, mas maaga pa sa alas-kwatro, kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay. Dadahan-dahanin ko ang kwento. Masakit pa kasin...